Since hypertensive ang inyong lingkod, naisipan ko na gumawa na lamang ng mga recipes na maari ko pa rin namang i-enjoy kahit hindi ko natitikman o nalalantakan.
Tama, simula ngayon, I will post recipes about my favorite food but with a twist. Conventional Method meets Modern Cooking. Ay tama ba? Oh, basta ganyan ang gusto kong sabihin at sana naman nakuha niyo ang thought di ba?
Alam niyo naman ang nature nitong blog, hindi naman ganun kaseryoso pero seryoso pa din sa pagbibigay ng mga recipes na pwede niyong gawin sa inyong mga pamamahay or handaan.
Sana lang kapag nagprepare kayo, kunan niyo ng picture (tama na ang selfie) tapos i-tag niyo sa aking Facebook account. (Credits sa akin para naman makilala ako noh). Anyway, madami na namang pasakalye so hear you go. Introducing my third recipe:
Sample of Sisig (not my original recipe) |
Cheezy Sisig So Eazy
Ingredients:
- 500 grams Maskara (hindi ito yung nilalagay sa mata o yung sinusuot tuwing may festival ha) Ito yung fez nang baboy. Tama, skin or fez ng pig na mabibili sa inyong wet market.
- 100 grams Ox Brain (utak po ng baka), cleaned and cooked
- Chicharon Flakes (kung wala, durugin niyo na lang ang isang plastic ng chicharon)
-3 tbps. Canola Oil (para maiba lang)
-3 tbps. Soy Sauce
-3 tps. Table Sugar
-3 tps. Salt
-2 tps. Ground Pepper (Pamintang Durog! Marami na ngayong ganyan lalo na sa mga Call Center)
-3 fresh eggs (huwag century o qwek-qwek at sasampalin ko kayo)
-3 green chili (yung pang-Sinigang)
-2 red chili (yung labuyo)
-1 box Quick Melt or Cheddar Cheese, grated
-50 grams Mayonnaise
-Calamansi (pigain niyo na lang kapag nakahanda na ang sisig)
-Lemon Slices
Procedure:
1. Roast Maskara and cut into cubes.
2. Slice Ox Brain into desired portions, the smaller the better
3. In a bowl, mix Soy Sauce, Mayonnaise, Red Chili, Table Sugar, Salt, Pepper and Green Chili. Set aside. (taray di ba? May set aside pang nalalaman)
4. In a frying pan, heat oil and add Ox's Brain and Maskara. Drain excess fat or oil. (Masyadong ma-oily if you make sama-sama pa the oil dba?) After removing the oil, add 3 newly beaten egg (mas masarap kung kakabate lang). Let the heat cook your egg (ouch!)
5. In a show plate (shala!) pour the drained Brain and Maskara with egg, your sauce, add the cheese and sprinkle it with calamansi and lemon. Then sprinkle the crushed Chicharon (shalabell, sprinkol talaga)
6. Serve hot. (just like me)
And presto! May sisig ka na. Hindi lang pang pulutan pwede na rin pang-ulam. Kung hindi niyo trip ang sobrang anghang remove remove lang ng Red chili or kung gusto niyo ng matamis, edi go, lagyan niyo nang Maple Syrup (CHARAUGHT!)
Enjoy!
No comments:
Post a Comment